Ang Aking Paaralan
Halina kayo at pumunta tayo sa aking paaralan. Malaki, malinis, at malawak ang bakuran. Mayroong mga puno na kaaya-ayang tingnan. Dito ang kaisipan namin ay nililinang. Mga Guro na nagtuturo, kami ay laging ginagabayan. Upang matuto sa tamang paraan. Dito ako natutung magbasa, magsulat, at aral na pangalagaan ang lahat. Aking mga talento dito hinasa, kumanta, sumayaw, at tumula. Mahal ko ang aking paaralan, at mahalaga sa akin magpakaylan pa man. dahil ito ang daan, tungo sa aking magandang kinabukasan.